Friday, June 27, 2008

now lang ulet

ang tagal mula nung huli akong nakapapost dito. madami ng nangyari pero ikkwento ko din ang mga yan habang lumilipas ang panahon. sa ngayon, may isa akong narinig sa org namin kung san ako ay naapektuhan, hindi naman guilt but nakakatouch yung liham na binasa ng counil dun nung june 24,2oo8. isa itong liham, di ito kumpleto dahil mahina ang aking memorya pero eto yung mga natatandaan ko dun...

Anak,
kumusta ka na? Totoo nga pala ang sinasabi nila, mabilis nga panahon. Nagulat ka siguro sa king liham, hindi mo inaasahan na susulat ako sa kabila ng sobrang busy mo. Gusto ko lang sabihin ang aking saloobin.
Anak, pagpasensyahan mo na kung nagiging pabigat ako sa yo, alam ko nahihirapan ka ng mag alaga sa kin. Napansin ko malimit mo ko sinisigawan, pasensya na, dala siguro ng katandaan, nagiging mahina na din ang aking pandinig, sana wag mo na ko sigawan.
Pagpasensyahan mo na din kung amoy matanda na ako, di na kasi kaya ng katawan ko ng madalas, hind na ako kasinglakas nung araw at di ko na kaya ang lamig ng tubig. Naalala mo nung bata ka pa, ganun ka din? nagtatago ka pa para lang makaiwas sa kin.
Pagpasensyahan mo na din kung di ko mapigilang mapaihi o madumi sa kama, alam kong mabigat ang loob mo sa kin dahil ikaw ang nagaalaga sa kin, sana maunawaan mo ang kalagayan ko gaya ng pag unawa ko sa yo nung bata ka pa.
Pagpasensyahan mo na din kung madals ay paulit ulit ako ng kwento sa yo. Namimiss lang kita kaya ako ganto... Bihira na kasi tayo magkwentuhan, di ba nung bata ka pa, paulit ulit ka ng pagkkwento tungkol sa alaga mong teddy bear?
Pagpasensyahan mo anak kung hindi ko na kaya, sana konti na lang naman ang itatagal ko sa mundong ito, at pagdumating ang panahon na kinuha na Niya ako, papabantayan kita sa Kanya, at sasabihin ko sa kanyang naging mabuti kitang anak.

Nagmamahal,
Nanay/Tatay

No comments: